Chapter 40:Kusang pagsuko ng sarili
HINDI mapakali si Jhaina sa loob ng kanyang silid sa isiping nasa labas ang intsek na binata at kausap ang kanyang mga magulang. Nagugutom siya pero wala siyang ganang kumain. "Anak, nakahanda na ang hapunan." Tawag ni Lucy sa dalaga na nagkukulong sa silid nito.
"Susunod na po ako!" Napilitan siyang bumangon, naiinis siya sa sarili dahil hindi alam kung ano ang isusuot. Naging conscious siya sa sarili pananamit sa kaalamang makasalo ang binata sa pagkain.
"Ano ba ang problema? Ano naman kung pangit ang maging tingin niya sa akin?" tanong niya sa sarili hanang nakaharap sa malaking salamin.
"Ayst, whatever!" Humaba ang kaniyang nguso at inis na isinuot ang unang damit na napili.
Padabog siyang umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Zoe. Ni hindi manlang siya tinapunan ng tingin nito at patuloy na nakikipag-usap sa kanyang kapatid. Ang mga magulang niya ay mukhang may sariling mundo rin habang inaasikaso ang isa't isa sa paglagay ng pagkain sa mga plato nito.
Napangiti si zoe nang maramdaman ang pagsipa ng dalaga sa kanyang paa. Dahan-dahang inilapit niya ang ulo na naka side view sa mukha ng dalaga, "ano na naman kasalanan ko?" Bulong niya dito at pasimpleng hinawakan ito sa binti mula sa ilalim ng lamesa.
"Akin iyan!" Ininguso ni Jhaina ang pagkain na nasa plato ng binata. Paborito niya ang hita ng manok at iyon pa ang kinuha ng huli.
"Kiss mo muna ako," bulong niya muli sa dalaga upang hindi marinig ng mga magulang nito na abala sa pagkain.
"Manyak ka, kanina ka pa nakahawak sa legs ko!" pabulong din niyang sagot sa binata at sinipa muli ang paa nito.
Nakangiti pa rin ang binata kahit nasaktan sa sipa ni Jhaina. Para itong bata ng inagaw mula sa kanyang plato ang pagkain na kanina pa nito gustong kunin.
Napasulyap si Jhaina sa pamilya habang sinusubo ang manok na hawak nang maramdaman ang titig ng mga ito sa kaniya. Napalabi siya nang sabay-sabay ring umiwas ng tingin ang mga ito sa kaniya at muling umakto na para bang walang nakita o narinig. Hanggang matapos ang pagkain ay wala siyang narinig na tanong sa mga magulang na ipinagtataka niya. Para bang normal lang sa mga ito ang nakikitang kilos niya sa harap ni Zoe.
"Umuwi ka na!" Mahina ngunit may diin na utos nito sa binata nang mapagsolo na sila sa sala.
"Hindi pa ako inaantok." Pahintamad na sumandal si Zoe sa sandalan ng upuan.
"Ayos ka rin ah, nakalibre ka na ng pagakain dito, gusto mo pa yata na dito rin matulog?"
"Kung pwede, why not?" nakangising sagot nito sa dalaga.
Halos hindi na maipinta ang mukha ni Jhaina sa naging sagot ng lalaki. Nakangiti pa ito ng nakakaloko, hindi manlang tinalaban sa kanyang patutsada na hindi maganda.
"Bro, dito ka na matulog. Kailangan ko na kasi bukas maipasa ang project ko, pwede mo ba ako tulongan na paglamayan ito?" ani ni John Carl habang itinataas ang hawak na papers.
"Hindi pwede!" Napatayo si Jhaina nang marinig ang nais ng kapatid.
"At bakit?" Nakakunot ang noo na tanong ni John sa kapatid.
"Wala siyang matulogan dito," may pag-aatubili na sagot ni Jhaina sa kapatid. Noong una ay nagdududa siya sa closeness ng dalawa. May bahagi sa kaniyang puso ang na dissapoint nang malaman na ang kapatid ang dahilan kaya ito close sa kaniyang pamilya ngayon at hindi dahil sa kaniya.
"Nakalimutan mo yata na mayroon tayong guest room? Pinahanda na iyon ni Mommy at naipaalam ko na sa kanila na dito matutulog ang aking kaibigan."
Napaismid si Jhaina sa huling sinambit ng kapatid. Hanggang ngayon ay nagdududa siya kung paano ang mga ito naging magkaibigan. Ayaw naman niyang usisain pa at baka magtaka ang kapatid, ayaw niyang malaman nito na ang lalaking ito ang kumupkop sa kanya noong nawala siya.
Nanatili siya sa sala nang pumasok ang dalawa sa library room. Ang mga magulang ay maagang natulog. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya habang nanunuod ng tv.
"Tin, doon ka sa kuwarto mo matulog."
Dinig niya ang boses ni Zoe pero hindi niya ito pinansin at muling natulog.
"Baby!" Umupo siya sa paanan ng dalaga na nakahiga sa mahabang sofa. Nadatnan niya ito roon na natutulog at hinayaan na siya ni Carl na siyang gumising dito.
"Baby," muli niyang tawag sa dalaga ngunit hindi siya pinansin. Gumalaw ito at bumaling sa kabila ng higa. Nakatalikod na ito ngayon sa kanya.
"I miss you so much, Baby!" anas ni Zoe habang marahang na hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga.noveldrama
Mariin na naipikit ni Jhaina ang mga mata nang mahamig ang lungkot at pangungulila sa boses ng binata. Ipinagpatuloy niya ang pagpanggap na tulog dahil hindi niya alam kung paano tugonin ang binata. Parang yello ang puso niya ng mga sandaling iyon at unti unting natutunaw sa mga sinasabi ng lalaki.
Napabuntonghininga si Zoe nang walang tugon na nakuha mula sa dalaga. Maingat niyang binuhat ito at dinala sa silid nito. Mahimbing pa rin ang tulog nito hanggang sa mailapag ito sa kama.
"I love you!" Sinserong wika nito at kinintalan ng magaan na halik sa noo ang natutulog pa rin na dalaga.
Dahan dahan iminulat ni Jhaina ang mga mata nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Marahas na ibinuga ang hangin sa bibig, kanina pa siya nagpipigil ng hininga at pinakawalan lamang iyon nang masiguro na wala na nga ang binata sa loob ng kanyang silid.
"Ano ang ginawa mo sa akin?" Kagat ang labi na tanong niya sa kawalan habang kinakapa ang noo kung saan siya hinalikan ng binata. Ramdam niya rin ang malakas na kabog ng kanyang dibdib ngayon. Lahat ng lakas niya kanina ay inipon niya upang pigilan ang sarili na huwag yumakap sa lalaki nang maramdaman ang pagbuhat sa kanya kanina.
"Tulog pa rin?" tanong ni John Carl kay Zoe. Pinanuod niya lang kanina ang dalawa at nakita niya kung gaano nito iningatan at ginalang ang kanyang kapatid. Hindi rin mapagkaila na mahal nga nito talaga ang pasaway niyang kapatid. "Yup, can I have some wine to drink?" mukhang pagod na ani ni Zoe.
"Sure, pero hindi kita masabayan sa pag-inum. Maaga pa kasi ang pasok ko bukas sa school."
Iginiya siya ni Carl kung saan nakalagay ang iba't ibang uri ng alak. Gusto niyang makalimot pansamantala sa pangungulila sa dalaga. Abot kamay na niya ito ngunit parang malayo pa rin ito dahil sa malamig na pakikitungo nito sa kaniya. Halos maubos na niya ang isang bote ng alak at nahihilo na rin siya. Pasuray suray na pumasok sa isang silid, muntik pa mapasubsob ang mukha sa sahig nang matumba siya dahil sa kalasingan.
"Hoy!" Napabalikwas ng bangon si Jhaina nang marinig ang lagabog at makita ang lalaki na nakadapa sa sahig.
"Hmmm!" tanging sagot ni Zoe nang may umugoy sa kanyang balikat. Lalo lamang siya nahihilo sa gumawa niyon sa kanya.
"Tarantado ka talaga, bakit ka naglasing?" Tanong ni Jhaina dito na at binatukan ito sa batok dahil sa inis.
"Be-baby," kahit lasing ay nakilala niya ang boses ng dalaga. Parang bata na kinapa ito dahil hindi na maimulat ang mga mata.
Hindi alam ni Jhaina kung ano ang gagawin sa lalaki. Ayaw naman niyang gisingin ang kanyang pamilya na tulog na. Isa pa ay lasing ang lalaki, baka kung ano pa ang idaldal nito sa harap ng pamilya niya.
"Baby, I miss you!" Yumakap ito mula sa beywang ng dalaga nang maabot niya ito. Nakadapa pa rin siya sa sahig at nakaupo ang babae sa kanyang harapan.
"Umayos ka nga, bangon at doon ka sa kama mahiga!" Inis na inalalayan niya ito sa pagbangon. Ang bigat nito at ayaw bumitaw sa pagkayakap sa kanyang beywang.
"Zoe!" nagbabanta niyang tawag sa pangalan nito upang magising dahil hindi na ito natinag sa kinadadapaan.
"Dito ka lang, huwag mo na akong iwan ulit please!" Namumungay ang mga mata na tumingala sa dalaga. Kahit nanlalabo ang paningin, aninag pa rin niya ang nakasimangot na mukha ng dalaga. "Bumangon ka riyan at ang lamig ng sahig!" Iniwas niya ang tingin sa lalaki. Naawa siya dito at gusto niyang haplusin ang mukha nito upang pawiin ang lungkot na nakabalatay sa mukha nito ngayon. "Dito ako tutulog ha?" parang bata na paalam nito sa dalaga. Kahit hirap ay tumayo siya at pagapang na umakyat sa malambot na kama ng dalaga.
"Hindi pwede, baka makita ka nila Mommy, doon ka sa silid mo."
Hinila ito ni Jhaina upang makabangon. Panay ang reklamo nito nang sapilitan niyang ilabas ng kanyang silid at inalalayan hanggang sa loob ng silid na para dito.
"Dito ka lang," hindi binitawan ang beywang ng dalaga hanggang sa maihiga siya nito.
"Tsk, ang kulit mo!" Inis na napahiga na rin si Jhaina sa kama kasama ang binata. Hintayin na lang niya na makatulog ito bago iwan.
"Zoe ano ba!" Panay ilag niya sa kanyang mukha nang halikan siya nito sa pisngi. Bigla siyang nag-init nang maramdaman ang kamay nito na humaplos sa kanyang binti.
Nagpatuloy ito sa paghalik sa kaniyang pisngi hanghang sa mahuli ang kaniyang bibig. Pakiramdam ni Jhaina ay parang tinakasan siya ng katinuan nang malasap ang halik na iginawad sa kaniya ng binata. Wala rin siyang maramdamang pandidiri sa ginagawa nito sa kaniya na ipinagtataka niya. Ang nakakagulat pa ay kusang bumuka ang kaniyang bibig at sabik na gumanti ng halik dito.
Parang uhaw na sinisid ang kaloob looban ng labi ng dalaga nang mahuli niya ito. Nang maramdaman na hindi na ito nanlaban ay naging mas mapusok ang halik na ginawad sa dalaga. Ang mga kamay ay dumadama sa kalambutan nito. "Uhmmm, Zoe!" Hindi alam ni Jhaina kung pipigilan o hindi ang binata sa ginagawa nito sa kanya. Para rin siyang nalasing nang malasahan ang alak sa labi nito. Hindi napigilan ang sarili na tumugon sa mapusok na halik at hinayaan ang binata sa pagdama sa kanyang katawan.
"Uhmmmm!"
Pigil ang sarili na mapalakas ang ungol nang sakupin ng labi nito ang kanyang korona. Tuluyan na siyang nagpaubaya, para itong tigre na gutom at walang pinalampas ang labi nito na dinaanan ang bawat parte ng kanyang katawan. Hinahapong napasabunot siya sa malambot na buhok ng binata. Gustong manlaban namg kaniyang isipan ngunit ayaw makisama ng puso't katawan.
Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari, hindi alintana ang lamig ng hangin na nagmula sa aircon nang pareho na silang walang saplot. Para siyang napapaso sa init ng katawan nang madama ang hubad na rin na katawan ng binata. Tulad sa naalala, ginawa iyon ng binata sa kanya at paulit ulit na pinaligaya hanggang sa gupoin ito ng antok.
Kung noon ay ang binata ang nagbihis sa kanya pagkatapos nila magniig, kabaliktaran na ngayon. Alam niya na lasing pa rin ito, binihisan niya ito at inayos ang pagkahiga. Sinigurado niya na hindi nito mapansin na may nakasama ito sa silid ng gabing iyon sa pagbabakasakali na hindi ito makaalala pagkagising.
Kinabukasan ay maaga siyang umalis at hindi na hinintay ang kapatid upang makaiwas sa lalaki na alam niyang tulog pa rin hanggang ngayon. Hindi na siya nakatulog matapos ang nangyari sa kanila ni Zoe kung kaya para siyang lantang gulay na pumasok sa paaralan.
What do you think?
Total Responses: 0