Chapter 42: Who are you?
"ANO ang ginagawa mo dito?" nagulat pa si Trixe pagkakita sa babaeng itinaboy niya noon palayo kay Zoe. Kakarating niya lang ng Pinas at walang nakapagsabi sa kanya na nagkita na muli ang dalawa. Pero alam na niya ang tunay na pagkato ng kaharap bago pa siya noon bumalik ng Hong Kong. "Sino ka?" may pag-aalinlangan na tanong Jhaina sa babae. Pamilyar ang mukha ng babae sa kanya ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakilala.
"Ha, nakalimutan mo na agad ako?" ani ni Trixe sa nang-uuyam na tono ng pananalita. "So, ipaalala ko sa iyo ang lahat. Ako ang fiancee ni Zoe at ginawa ka lang niyang panakip butas nang alagaan ka niya noong may sakit ka. Hindi ka naman siguro bulag na may pagkahawig tayo."
Hindi maipinta ang mukha ni Jhaina na nakatingin sa babae. Naalala na niya ito noong sumugod ito sa bahay ng binata. Lumaban siya dito noon at nagkasakitan sila, dahil sa sama ng loob ay umalis siya ng bahay at doon na siya natauhan at muling bumalik sa tama ang isip.
"Hindi ba at sinabi ko na sa iyo noon na iwan mo na siya dahil ikakasal na kami?"
"Hindi totoo iyan, ex girlfriend ka lang niya at kami ang ikakasal pagkagising niya!" tumaas na ang timbre ng boses ni Jhaina at gustong manakit ng mga oras na iyo.
"Matapang ka talaga ha, tignan natin kung sino ang pipiliin niya pagkagising. Ikaw na isang tomboy o ako na kinabaliwan niya at minahal for two years?" Mapang-uyam na ani nito sa babae.
Nakaramdam ng kaba si Jhaina at pinaghinaan ng loob. May hawig nga siya sa babaeng sopistikada at mukhang nagustohan nga siya ni Zoe dahil doon. Ganoon pa man ay hindi niya ipinakita rito na apiktado siya. Hindi siya susuko ngayon lalo na at nasa side niya ang mga taong nakapaligid sa binata. Hindi pa siya handa makipag argumento sa babae lalo na at wala pang klaro sa kanila ni Zoe. Hindi nagtagal ay dumating ang mga kaibigan ng binata na naipagpasalamat niya sa kaniyang isipan.
"What's up, Trex!"
Bati ng tatlong kaibigan ni Zoe kay Trexi nang maabutan nila ito doon sa silid. Lalo lamang nakaramdam ng panliliit sa sarili si Jhaina nang makita kung gaano ka-close ang babae sa mga kaibigan ni Zoe maging sa mga magulang nito. Kilala na rin pala ito ng pamilya ng binata at totoo nga na inalok ito ng kasal noon ni Zoe. Nasaktan siya ng husto at mukhang nakikita lamang ni Zoe sa kaniya ang katauhan ni Trexi.
Umabot ng isang buwan at hindi pa rin nagigising ang binata. Halos napabayaan na rin ni Jhaina ang pag-aaral niya dahil mas marami siyang time magbantay dito kasama si Trexi. Hindi nagpapatalo ang babae sa kanya na mapalapit lalo sa pamilya ng lalaki. Gusto rin nito na paggising ng binata ay ito ang unang makita na ayaw niyang mangyari.
Ang pinsan na si Mark at ang asawa nito minsan ay dumadalaw at umaani siya ng tukso mula sa pinsa. Hindi umano nito akalain na titibok ang puso niya sa isang lalaki at sa kaibigan pa nito.
"Bilisan mo, kuya!" Hindi mapakali si Jhaina sa kinaupoan. Ang kapatid ang nagmamaneho ng sasakyan at galing sila sa school. Tumawag ang pamilya ni Zoe na nagpapakita na ng senyalis na magigising na ang anak ng mga ito. "Huwag ka ngang apurada, baka tayo naman ang maaksidinte at magka-amnesia ka ulit." Iritadong saway ni John Carl sa kapatid.
Napasimangot lang si Jhaina sa kapatid, gusto niya na siya ang unang makita ng binata pagmulat ng mga mata nito at hindi si Trexi. Alam niyang alam na rin nito ang balita at ayon kay Troy ay wala pa doon ang babae.
"Dude, welcome back to the earth!" Nakadipa ang mga kamay na bati ni Xander sa kaibigan na bagong gising mula sa pagkakoma.
Nakatingin lang si Zoe sa nagsalita. Hindi pa niya magawang magsalita, pakiramdam niya ay mabigat ang buong katawan maging ang kanyang talukap sa mata ay namimigat.
"If you just saw how's your girlfriends became crazy while you were sleeping like a baby, Dude." Nakangisi na pagbibida ni Troy sa kaibigan na bahagyang nangunot ang noo pagkarinig sa kanyang kwento.
Ang mga magulang ay halos hindi na makasingit upang kausapin ang binata dahil sa mga kaibigan nito. Medyo magulo pa ang kaniyang isipan at hindi maintindihan kung bakit nagkaroon siya ng dalawang girlfriend at nag-aagawan umano sa pagbabantay sa kaniya. Maniwala na sana siya sa mga kaibigan ngunit nadismaya siya matapos igaka ang paningin sa paligid. Wala roon ang tao na nais niyang makita.
"She's coming, dude, don't worry!" pampalubag loob na wika ni Khalid nang mapansin na may hinahanap ang mata ng kaibigan.
"Trexi is coming also, I wish they will not gonna fight again this time." Napapailing na dugtong pa ni Khalid.
"Honey? Thanks God, gising ka na!" Patakbo siyang lumapit sa nakahigang binata at yumakap dito.
"Trexi, hija, be careful!" paalala ng ina ni Zoe sa dalaga nang mapansin na napangiwi ang anak dahil nasaktan ng masagi ng babae ang sugat nito sa braso.
"Sorry!" Kagat ang ibabang labi at bumitaw sa pagkayakap sa binata na tahimik pa rin nakatingin sa lahat.
Wala sa mood si Zoe magsalita ay hindi pa naibuka ang bibig mula nang magising. Kinausap na rin siya ng doctor kanina ngunit nanatiling tikom ang kaniyang bibig. Ayaw niya ring kumilos, nanatili lang siyang ganoon pero naiintindihan niya ang mga sinasabi ng lahat na nasa kanyang paligid ngayon.
"You want something to eat, Honey?"noveldrama
Bahagyang ngumiti si Zoe sa babae, napakalambing nito ngayon sa kanya at pinapadama sa kanya kung gaano ito kasaya dahil ligtas na siya sa kapahamakan. Umalis na ang mga kaibigan at ang mga magulang ay lumabas sandali upang kausapin ang kanyang doctor.
"I'm so happy na ligtas ka na, pangako aalagaan kita hanggang sa paggaling mo." Patuloy na kausap ni Trexi sa binata at masaya dahil ngumiti na ang binata.
Hinaplos ni Trexi ang mukha ng binata na may bakas pa hanggang ngayon ng sugat na nagmula sa bubog ng salamin ng sasakyan nito. Nagsisi siya kung bakit tinanggihan niya ang alok nitong kasal sa kanya noon at mas pinili ang pilipinong nakarelasyon din.
Napasimangot si Jhaina sa eksinang naabutan. Gising na nga ang lalaki at nakangiti pa ng haplusin ni Trexi ang pisngi nito. Hindi siya dapat magpatalo at sumuko. Kaniya si Zoe at hindi siya papayag na makuha nito muli ang loob ni Zoe. "Tapos ka na, ako naman!" Tinabig ni Jhaina ang kamay ng babae na nakahawak sa kamay ni Zoe.
"Ouch, napaka careless mo talaga." Reklamo ni Trexi at umakto na sobrang nasaktan sa ginawa ni Jhaina.
Blangko ang mukha ni Zoe na tumingin kay Jhaina. Pinagmamasdan niya ito at pinag-aaralan ang bawat kilos.
"Kanina ka pa raw dito, alis na at tapos na ang iyong oras!" Pagtataray ni Jhaina sa babae at hindi pinansin ang tingin sa kaniya ni Zoe.
Puro kagaspangan ng ugali ang pinakita niya sa babae kahit alam niyang nakatingin sa kanya si Zoe. Palagi sila nag-aaway ni Trexi kapag nagpang-abot sa hospital kung kaya nagdesisyon ang magulang ni Zoe na limitado ang oras nila sa pagtagal doon. Hindi rin maari magsama o magsabay silang dalawa sa pagbantay sa binata.
"Honey, babalik ako after one hour, okay? Huwag kang makipag-usap sa maton na babaeng iyan at baka saktan ka tulad ng lagi niyang ginagawa sa akin." Malambing na kausap ni Trexi sa binatang nanatiling tahimik.
"Alis na, sisipain kita riyan eh nang makita mo ang hinahanap mong honey! Itinaas pa ni Jhaina ang isang paa at umaktong maninipa.
Mabilis na umalis si Trexi sa takot na totohanin ni Jhaina ang banta nito. Minsan na siya nasabunotan ng babae at mas malakas ito keysa kanya dahil nga lumaking tomboy.
Amuse na napatitig si Zoe sa dalagang naiwan. Mukhang lumala ang ugali nito ngayon at dumoble ang tapang. Nang bumaling na ang tingin nito sa kaniya ay ibinalik niya ang blangko niyang expression.
"May sakit na nga ang landi pa rin," mahinang bulong ni Jhaina na hindi tumitingin sa binata.
Padabog siyang umupo sa harap nito at napasimangot nang mapansin na nakakunot ang noo ng binata na nakatingin sa kanya.
"Sa kanya nakangiti ka tapos sa akin ay ganyan mukha mo?" Reklamo niyang tanong sa binata at pinakita dito na masama ang kaniyang loob.
Napasimangot na rin si Zoe dahil sa patutsada ng babae. Kanina pa siya nagpipigil magsalita. Nadismaya siya dahil hindi na ito nagbago, wala manlang kalambing lambing kung kausapin siya. Ni hindi niya nakitaan ng pag-alala sa kanyang kalagayan ngayon.
Mukhang nauubusan ng pasensya na napatitig si Jhaina sa binata na ayaw magsalita. At sa hitsura pa nito ngayon ay mukhang hindi nagustohan nito na makita siya. Gusto na sana niyang umiyak sa sama ng loob pero na save ang kaniyang luha nang dumating ang mga magulang ng binata.
"Why he can't talk?" tanong niya sa ina ng binata at kasama ang doctor.
"Doctor will explain it to you, Hija," malungkot na sagot ng ginang.
Nakikinig lang si Zoe, lihim na natuwa sa nakikitang closeness ng dalawang babae na mahalaga sa kanyang buhay.
"Epikto ng matagal na pagka-comatose niya, maari rin na hindi pa nagpa-function ng normal ang kanyang isip dahil sa mga gamot na naiturok sa kanya. Ihanda na lang ang inyong sarili kung sakali na hindi niya kayo maalala dahil maari rin na magkaroon ng amnesia ang pasyente." Mahabang paliwang ng doctor sa dalaga.
Nanghihina na napaupo si Jhaina nang marinig ang pahayag ng manggagamot. Binalot ng takot ang puso't isipan na baka hindi siya makilala ng binata.
"Naalala mo ako hindi ba?" Tanong niya sa binata na alam niyang gising pero nakapikit ang mga mata.
Malungkot ang ina ni Zoe na pinagmamasdan ang dalagang tahimik na lumuluha. Iniwan niya muna ito upang makapagsolo ang dalawa.
Napadilat ng mga mata si Zoe nang biglang tumahimik ang paligid at narinig nag pagsara ng pinto. Akala niya ay mag-isa na lang siya at umalis rin ang dalaga.
"Kapag nagka-amnesia ka, pakasalan mo ako ulit!"
Naipikit muli ni Zoe ang mga mata pagkarinig sa tinig nang dalaga. Hindi siya nito nakita nang dumilat dahil nakayuko ito.
"Dapat sa simabahan na, ayaw ko sa Abogado lang!"
Napangiti si Zoe nang mahamig sa tono ng dalaga ang tila nagtatampo. Sa hinuha niya ay nakaalala na ito kung ano mayroon sa kanilang dalawa.
"Kapag pinili mo ang babaeng iyon, idedemanda kita ng kasong pangre-rape!" Gumaralgal na ang boses ni Jhaina, kanina pa niya pinipigilan ang sarili na huwag pumiyok sa pagsasalita sa tulog na binata. Patuloy sa pagdaloy ang luha habang siya ay nakayuko at umaaktong nagnonobela.
"Baby!"
Tuluyan ng napatid ang pagmamatigas ni Zoe na huwag kausapin ang dalaga nang marinig ang tawag nito sa kanya. Hindi niya ito matiis lalo na nang mahamig na umiiyak na ito.
"Why are you crying?" namamaos ang boses na tanong nito sa dalaga.
Tuluyan nang napahagulhol ng iyak si Jhaina nang sa wakas ay nagsalitan na ang lalaki. Wala na siyang pakialam kung nagmumukha siyang mahina sa paningin nito ngayon. Ang mahalaga ay gising na ito at siya pa ang unag kinausap. "Bakit ang tagal mong gumising?" Parang bata na yumakap sa binata at patuloy sa pag-iyak. "Who are you?"
Nanigas ang katawan ni Jhaina sa kinaupoan nang marinig ang tanong ng binata sa kanya.
What do you think?
Total Responses: 0