Chapter 45:Hospital
NAGING tampulan sa Universidad si Jhaina nang malaman ng lahat na buntis ito. Si Rochelle ay lumayo na rin sa kanya na may kinikimkim na galit sa dibdib. "Drink your vitamins after lunch ok?" Bilin ni Zoe sa dalaga nang maihatid sa paaralan.
Nakangiti na tumango si Jhaina sa nobyo, hatid sundo siya ng lalaki at ito mismo ang naghahanda ng kanyang pagkain sa bahay at maging ang baon sa paaralan. Ayaw nito na kumain siya nang galing sa labas dahil baka hindi umano healthy. Mas strict pa ito sa kaniyang mga magulang pero wala siyang reklamo.
"Behave my Babies!" Hinalikan niya ang umbok ng tiyan ni Jhaina. Para sa kanya ay baby niya ang dalaga at pangalawa ang kanilang anak.
"Buksan mo na po ang pinto at lalabas na ako." Utos niya sa lalaki na nakayakap pa rin sa kanya.
"Isa pa ngang halik," hiling nito muli sa asawa. Naayos na niya ang kasal nila noong nagpa secret married sila kung kaya legal wife na niya ito. Pagkaanak nito ay papakasal sila muli sa simbahan.
Umikot ang-eyeballs ni Jhaina habang umiiling na humarap sa binata. Hindi na ito nagsawa kakahalik sa kanya. "Last na ito," hinila niya ang necktie nito at sinalubong ng halik ang labi nitong nanunulis.
"Uhmmm.. Zoe, baka ma-late ka na sa meeting ninyo." Awat niya dito nang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Tulad ng dati, hindi ito makuntento sa halik lang.
Parang walang narinig na nagpatuloy sa paghalik su Zoe sa dalaga. Sobrang naadik talaga siya
bango ng asawa at mabilis kumalat ang init sa kaniyang katawan.
Napahiwalay ang dalawa niyang binti nang humaplos ang kamay ni Zoe doon pataas. Nakasuot lamang siya ng bestida kung kaya madali itong makapasok sa nais na hawakan.
"Doon muna tayo pumasok," namamaos ang boses na anas ni Zoe habang patuloy sa pagdama sa perlas ng asawa na ramdam niyang wet na rin.
Nakagat niya ang labi upang pigilan ang gustong umalpas na ungol sa kanyang bibig. Sinundan niya ng tingin kung alin ang tinutukoy ng lalaki. "Sogo?"
"Yes, almusal muna tayo doon." Nakapaskil ang pilyong ngiti sa labi ng binata.
Napalunok si Jhaina ng sariling laway habang palipat-lipat ang tingin sa hotel at sa binata. Gusto niya ang idea nito lalo na at ilang gabi na rin silang hindi nakapagniig. Ang sexy pa naman sa kanyang paningin ngayon ng binata at bigla siya nakaramdam ng uhaw. Iyon ang epikto ng kanyang pagbubuntis, laging uhaw sa romansa ng asawa.
Mabilis na pinaandar muli ni Zoe ang makina ng kotse at tinahak ang daan hanggang sa parking lot ng isang hotel. Wala siyang pili sa hihigaan basta makaraos lang.
Dalawang subject ang na-skip ni Jhaina dahil tumuloy sila ng asawa sa Sogo Hotel. Namumula ang pisngi niya tuwing naalala ang ginawa ng kanyang asawa kanina. Sobrang hilig nitong kumain at hindi makuntinto sa isang round lang. "Tinanghali ng pasok ang tomboy na buntis," ani ng isa sa mambu-bully niyang kaklase.
Ngumiti lang si Jhaina sa babae na ikinaasar ng huli. Napatingin siya sa babaeng kasama nito na nakatingin sa kanya. Ibang-iba na ito buhat nang magpaka babae siya. Ang dating simpleng Rochelle ay isa nang maaskad kung kumilos at malaswa manamit. Natuto na rin itong manigarelyo dahil napabarkada sa sa mga taong pasaway sa kanilang paaralan.
"Masarap ba, Bhe? Patikim naman sa kanya kahit isang gabi lang." Nakangising pang-aasar ni Rochelle kay Jhanina.
Naikuyom ni Jhaina ang isang palad pero malungkot niyang pinagmasdan ang mukha ng dating kaibigan. Naaawa siya dito dahil naging pabaya na sa sarili at sa pag-aaral. Nakunsensya rin siya dahil isa siya sa dahilan kung bakit ito nagkaganito.
"Akala ko, Chel, si Jhaina ang gusto mong matikman?" nang-aasar ang tawa ng isa sa kasama nito.
"Ayaw ko na sa kanya, pinatulan ko lang naman iyang kahangalan niya noon dahil nauuto ko para makalibre sa pamasahe." Nang-iinsultong sagot ni Rochelle sa kasama.
Nagpantig ang mga taenga ni Jhaina sa narinig lalo na nang magtawanan ang mga ito at maging ang ilan pa sa mga nakarinig. Nakalimutan niya na buntis siya at galit na sinugod si Rochelle dahil sa galit. Sinampal niya ng malakas sa pisngi. "Hindi ka lang manggagamit, tama lang na pinagpustahan ka nila Kuya John Carl-"
Hindi na natapos ni Jhaina ang iba pang sasabihin nang gumanti sa kaniya si Rochelle. Sinampal din siya nito sabay tulak sa kaniyang dibdib. Sa lakas nang pagkatulak nito ay nawalan siya ng panimbang. Paupo siyang natumba sa lupa na naging dahilan ng kanyang pagdurugo.
"Jhaina!" Pasigaw na tawag ni John Carl sa kapatid at tinakbo ang kinaroonan nito. Malayo pa lang ay nakita niya ang ginawa ni Rochelle dito.
"So-sorry!" Nangatal sa takot si Rochelle nang makita ang dugo na umaagos sa binti ni Jhaina nang maitayo ito ni Carl. "Magbabayad ka ng mahal!" Galit na binalingan ni John Carl si Rochelle bago binuhat ang kapatid upang dalhin sa hospital.
Sa opisina ni Zoe ay hindi siya mapakali at kinakabahan. Tumayo siyang muli at uminum ng tubig upang ma-relax ang dibdib.
"Kakarating mo lang pero mukhang gusto mo na ulit umalis?" puna ni Mark kay Zoe nang mapansin na hindi ito mapakali.
"Hindi ko alam, dude, pero kinakabahan ako." Napabuntonghininga siya at umupo muli. Hinanap niya ang kanyang cellphone upang kamustahin sana ang asawa ngunit nakalimutan niyang kunin sa bag ni Jhaina kanina. "Relax, normal lang iyan dahil buntis siya. Ganyan din ako noong unang buwan na buntis si Marie." Tinapik niya ang balikat nito upang kumalma.
"Sir Mark, nasa kabilang linya si Ma'm Marie." Tawag ng secretary ni Mark.
"May problema ba?" tanong ni Zoe sa kabigan nang maibaba nito ang telepono. Halata sa mukha nito ang labis na pag-alala.
"We have to go, dude, dinala ni John Carl si Jhaina sa hospital."
Biglang natuod si Zoe sa kinaupuan at hindi malaman ang gagawin nang marinig ang pangalan ng asawa. Kung hindi pa siya hinila ni Mark ay hindi pa mahimasmasan. Halos maiyak si Zoe at mas malalaki ang hakbang ng mga paa keysa kay Mark upang marating agad ang parking lot. Mabilis na nagmaneho si Mark upang makarating agad sa hospital.
Naroon na ang mga magulang ni Jhaina maging si Marie ay naroon.
"Ano na po ang balita?" nag-aalalang tanong ni Zoe sa ina ni Jhaina.
"Hindi pa lumalabas ang doctor na sumusuri sa kanya, Hijo." Umiiyak na tugon ng ginang sa binata.
Napasabunot si Zoe sa sariling buhok dahil sa frustration. Nasabi na sa kaniya ni John Carl kung ano ang nangyari. Kung hindi niya sana nakalimutan ang cellphone sa bag ng asawa ay baka naiwasan ang nangyari dito. Sana ay hindi na lang muna niya ito pinapasok sa school at nanatili na lang sila sa hotel.
"Huwag mo nang sisihin ang iyong sarili, Bro. At ako na rin ang bahala sa babaeng iyon." Tiim bagang na ani ni John Carl at naglalaronsa isipan kung paano pahirapan si Rochelle dahil sa ginawa sa kaniyang kapatid.
Galit at dissapointed din ang mga magulang ni Jhaina sa ginawa ni Rochelle. Ang akala nila ay mabuting tao ito at hindi marunong magalit.
Kalahating oras pa ang lumipas bago lumabas ang doctor mula sa emergency room. Halos nagsabay pa sina Zoe at ina ng dalaga na sumalubong sa doctor at nagtanong.
"Ligtas na sila, pero kailangan niyang mag bed rest hanggang sa manganak siya. Bawal siya kumilos o magpagod dahil kapag dinugo ulit siya, wala na kaming magagawa na maisalba ang bata." Mahabang paliwanag ng doctor. Hindi napigilan ni Zoe ang luha na tumulo dahil sa tuwa. Nayakap pa niya ang doctor at nagpasalamat. Nang mailipat na ang asawa sa isang private room ay hindi na siya umalis sa tabi nito. "Baby?" masuyong tawag ni Zoe kay Jhaina nang mapansin na gising na ito.
"Ano ang nangyari? Bakit ka umiyak?" namamaos ang boses na tanong niya sa binata. Halata sa mata nito na kakagaling lang sa iyak kaya kinabahan siya. Mabilis niyang kinapa ang sariling tiyan nang maalala ang nangyari kanina. "Tears of joy, baby, salamat sa Panginoon at ligtas kayo ng ating anak!" muling tumulo ang luha niya. Buong buhay niya mula ng magbinata siya ay ngayon lang siya umiyak at naging-emotional.
"Ang anak ko!" naluluha na hinaplos ni Jhaina ang kaniyang tiyan. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang maramdaman niyang naroon pa rin ito.
"She's ok, baby, malakas ang anak natin kagaya mo." Nakangiting ipinatong ni Zoe ang kamay sa likod ng palad ng dalaga.
"Naging masama na siya," malungkot na wika ni Jhaina. Si Rochelle ang tinutukoy at hindi niya ito mapatawad kung nawala ang kanyang anak.
"Si Kuya John mo na ang bahala sa kanya," aniya habang hinahaplos ang pisngi ng asawa. Nang ngumiti ito at tumango ay kinintalan niya ng magaan na halik sa labi ito.
Dumating sina Devine Joy at ang asawa upang dalawin din si Jhaina.
Makalipas ang ilang araw ay lumabas na si Jhaina at nanatili lang sa bahay tulad ng sinabi ng doctor. Nag-home study ito upang hindi matigil sa taon na iyon. Nagpatayo rin ng bahay si Zoe malapit sa bahay nila Jhaina upang hindi ito mapalayo sa mga magulang.
"Baby, dalawin ko lang ang asawa ni Mark sa hospital at nanganak na." Paalama ni Zoe sa dalaga.
Nakangiting tumango si Jhaina sa asawa. Napahaplos siya sa kaniyang tiyan. Next week ay due date na rin niya sa panganganak at halos hindi na umaalis sa kaniyang tabi ang binata. Kung hindi importante ay hindi ito aalis ng bahay. "Babalik din agad ako, behave ang mga baby ko ha!" Unang hinalikan ni Zoe ang labi ng asawa bago ang maumbok nitong tiyan.
Nakangiting sinundan niya ng tingin ang asawa na palabas ng main door. Doon siya iniwan sa bahay ng kaniyang mga magulang dahil takot itong iwan siya sa katulong lamang. Nakakainip ang ilang buwan na stay at home lamang siya. Pero pinupunan iyon ng kaniyang asawa at dinadalaw din siya ng mga kamag anak at mga kaibigan. Si Rochelle ay hindi na niya alam kung ano ang nangyari dito. Tumawag ito at humingi ng tawad noon ngunit masama pa rin ang loob niya dito. Pagdating ni Zoe sa hospital ay naroon na rin ang mga pasaway nilang kaibigan.
"Congratulations, Dude!" Kinamayan ni Zoe si Mark at kita sa mukha nito ang sobrang saya habang nakatitigsa asawa nitong natutulog. Ang ko-cute ng apat na kambal. Tatlong lalaki at isang babae ang kasarian ng mga bata. "Thank you, dude, malapit ka na rin magkaroon ng munting Anghel."
"Mark, you really a good shooter. You had now a three prince and one princess." Manghang wika ni Troy habang nakatingin sa apat na sanggol.
Tinawanan lang ni Mark ang mga kaibigan. Humingi pa ang mga ito ng tips kung paano ang gawing posiyon upang kambal agad ang mabuo.
Lalong namangha ang tatlong binata nang dumating ang kakambal ni Marie kasama ang mga anak na kambal din. Malaki na ang mga ito at ang popogi.
"Mukhang magkaroon tayo ng problema paglaki ng mga kambal natin." Nakangiting puna ni Yosef habang nakatingin sa makukulit niyang anak. Gusto ng mga ito kunin ang babaeng sanggol at iuwi.
"Asahan mo na maraming babae ang iiyak, mana-mana lang ito, Pinsan." Mayabang na sang-ayon ni Mark sa huli.
Nakangiti lang si Zoe habang nakikinig sa pag-uusap ng magpinsan. Maganda tignan ang magkaroon ng anak na kambal, pero hindi niya pinangarap ang ganoon dahil ayaw niya na mahirapan si Jhaina sa pag-aalaga at pagdadalan-tao. Bago umuwi ay kinausap muna ni Zoe si Khalid dahil babalik na ang mga ito sa Hong Kong.
"Lyca have a friend," ang lalaking tutor ang kaniyang tinutukoy. Determinado ang mga ito na matuto ng salitang tagalog tulad niya.
"Good, he can came with us in Hong Kong?" tanong ni Khalid.
"You can discuss about that to him." Tinawagan niya si Lyca at pina set ang meeting para sa mga kaibigan at sa kaibigan nitong tutor. Hindi pa rin naman niya nakikita ang sinasabi ni Lyca kaya hindi niya masabi sa kaibigan kung maayos ba ito. Sumang-ayon si Khalid na hintayin ang maging tutor sa kanilang pad upang ma interview na rin.
Pagkauwi ay agad hinanap ni Zoe ang asawa nang hindi makita ito sa silid.
"I'm here!" nilakasan ni Jhaina ang boses nang marinig ang pagtawag sa kanya ng asawa.noveldrama
"What are you doing?" Nakakunot ang noo niya na tumingin sa asawa. Naroon ito sa kusina at ang dumi na nito tignan.
"Nagluluto po!"
"I know, baby, pero dapat ay nasa bed ka lang." Inagaw niya ang sandok na hawak ng dalaga. Mukhang kanina pa ito nakatayo roon kaya nag-alala siya.
"Nakakainip na ang maghapong nasa higaan, gusto ko rin gampanan ang pagiging asawa ko sa iyo kahit sa ganitong bagay lang muna sa ngayon." Nakalabi na tugon nito sa lalaki.
"Hayaan mo na ako muna ang gagawa ng ganitong gawain, baby, bumawi ka na lang pagkaanak mo, ok?" Masuyo niyang pinisil ang pisngi ng dalaga upang hindi na ito magtampo.
"Baka maghanap ka na ng iba, kahit sa gabi hindi kita napapaligaya dahil sa kalagayan ko." Malungkot na pahayag nito ng kanyang saloobin.
"Shhh, hinding-hindi mangyayari iyan kaya huwag kang mag-isip ng ganiyan. I love you kahit noong tibo ka pa."
Napangiting yumakap dito si Jhaina, walang palya sa pagparamdam sa kanya ng pagmamahal ang binata pero hindi mawala sa kanyang isipan ang takot na baka maakit ito ng ibang sexy na babae. Minsan ay natatawa siya sa sarili kapag naalala ang buhay niya noong hindi pa nakilala si Zoe. Ang akala talaga niya noon ay pusong lalaki siya at babae lang ang gustong maka partner sa buhay.
What do you think?
Total Responses: 0
If You Can Read This Book Lovers Novel Reading
Price: $43.99
Buy NowReading Cat Funny Book & Tea Lover
Price: $21.99
Buy NowCareful Or You'll End Up In My Novel T Shirt Novelty
Price: $39.99
Buy NowIt's A Good Day To Read A Book
Price: $21.99
Buy Now