CHAPTER 17 The Painful Truth
"What " ? Malakas na bulalas ni Shai sa asawa nito na si Ruth. Tama ba ang pagkakarinig niya? Siya ang pansamantalang Guard sa kanilang bahay? Marahas na napabuntong hininga si Shai at tumingin sa kanyang asawa, nakita niya itong nakasimangot na.
"
Ayaw mo ba?" mahinang tanong ni Ruth sa asawa, kay Shai. Agad na nangilid ang mga luha nito sa kanyang mga mata.
Nataranta at bigla ang pag aalala ni shai ng makitang totoong nagtampo ang kanyang asawa, mabilis niya itong nilapitan ngunit mas mabilis itong umatras palayo sa kanya. " i'm sorry, ok. Sige, pumapayag na ako na maging guard ngayon. Please don't cry, baka makasama kay baby. " naglalambing na wika ni Shai.
Mabilis pa sa alas kwatrong nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ruth nang marinig ang sinabi ng asawa. Tuwang tuwa ito na animo ay nanalo sa lotto. Napapailing na lamang si Shai, kung hindi lang ito buntis at naglilihi. Pagkatapos gumayak ay umalis na rin sina Ruth kasama si kuya Jonathan, ang Guard nila sa bahay. Napapakamot na lamang sa ulo na sinundan ito ng tingin ni Shai.
Mabilis lamang ang naging pamimili ni Ruth ng bayabas. Nakaramdam ito ng hilo habang nag iikot ikot sa loob ng supermarket kung kaya naman napagdesisyunan na lamang nila na umuwi na. Pagdating sa bahay ay agad siyang sinalubong ni Shai, mabuti na lamang at hindi na pumalag pa si Ruth ng alalayan ito ng huli.
"Sir Shai, masama po ang pakiramdam ni Mam Ruth kaya mabilis po kaming nakabalik, pero nakabili naman po siya ng bayabas. " pagkukwento ni Kuya Jonathan.
"Maraming salamat po kuya" sagot naman dito ni Shai. Inalalayan na nito ang asawa upang pumasok sa loob at ng makapag pahinga na.
"Hubby...." mahinang tawag ni Ruth sa kanyang asawa habang paakyat ng hagdan patungo sa kanilang kwarto.
"Yes my wife.., are you ok ?" Tanong ng nag aalala na si Shai.
Hindi na sumagot pa si Ruth, at dahil parang nanghihina na ito ay kinarga na lamang niya ito hanggang makarating sa kanilang kwarto. Maingat itong inihiga ni Shai sa kanilang malaking kama at pagkatapos ay kinumutan. Pinagmasdan ito ni Shai at masuyong hinaplos ang buhok nito. At pagkatapos ay ang makinis nitong pisngi patungo sa mapupula nitong labi. Napakaganda nito lalo na kung palagi itong nakangiti. Alam niya, sa sarili niya na nahulog na siya sa asawa niya.noveldrama
Biglang pumasok sa isip niya ang dating gf. Minahal niya ito noon ngunit ibang pagmamahal ang nararamdaman niya ngayon para sa asawa. Pagmamahal na alam niyang hindi niya kayang mawala pa.
Maingat niya itong hinalikan sa labi at pagkatapos ay dahan dahan na humiga sa tabi nito. Yumakap siya dito at nakangiting ipinikit ang mga mata.
"I love you Ruth, my wife " mahinang bulong nito sa tainga ng asawa.
Kinabukasan ay maagang gumising si Ruth, maayos na ang kanyang pakiramdam at gusto niyang kumain ng biniling bayabas kahapon sa supermarket." Good Morning po Yaya " masayang bati ni Ruth kay Yaya Lourdes na kasalukuyang nagluluto ng almusal.
"Magandang Umaga din naman iha, maayos na ba ang pakiramdam mo? Mukhang maganda ang gising mo ngayon ah " nakangiti ding pagbati dito ni Yaya.
"Opo Ya, parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon eh. At gusto ko rin pong tikman ang bayabas na binili namin kahapon " wika nito.
"Ganoon ba, oh siya, maupo ka muna diyan. Tatapusin ko muna ito ng makapag almusal ka na muna bago mo umpisan ang bayabas mo. Natutulog pa ba si Shai?" Tanong ni Yaya habang tuloy sa paghahalo ng kanyang nilulutong sinangag. "Natu - " naputol na ang sasabihin sana ni Ruth nang bigla niyang maramdaman ang mga kamay na biglang pumulupot sa kanyang baywang. At isang mabilis na halik sa batok niya ang kanyang naramdaman.
"Good Morning Yaya, and of course sa aking mag ina. Hello Baby. " masuyong hinaplos ni Shai ang hindi pa naman kalakihang tiyan ng asawa.
Nakangiting naghain si Yaya ng almusal ng mag asawa " natutuwa akong makita kayong masaya. Alam ko na magiging mabuti kayong mga magulang, oh sya, kumain na kayong dalawa at ako ay doon muna sa labas. " wika ni yaya sa mag asawa na nagsisimula nang kumain.
Naging magana ang kain nilang dalawa na may kasama pang paglalambingan. Buong pagmamahal na inasikaso ni Shai ang asawa sa pagkain. Pagkatapos kumain ay magkatulong din nilang nilinis ang mga pinag kainan at sabay ng umakyat sa taas upang maghanda sa pagpasok sa opisina.
"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama sa opisina ngayon?" Nakangusong tanong ni Ruth sa asawa habang ito ay nagbibihis. Tinulungan niya itong magsuot ng necktie nito.
" Next time na lang, ok. Magpahinga ka na lang muna dito, baka mapagod pa kayo ni Baby kapag sumama kayo. " paliwanag naman ni Shai sa asawa nito na nakayakap na sa kanya at naglalambing pa.
"Hmp, ayaw mo yata ako pumunta doon eh." pagmamaktol naman ni Ruth. Nakangiting hinawakan ni Shai ng magkabilang kamay ang mukha ni Ruth at masuyong hinalikan ito sa kanyang noo.
"
Nagtatampo ang asawa ko ah. Ganito na lang, magpasa ka na lang sa driver mamayang tanghali. Dalhan mo ako ng lunch ko, hihintayin kita. Ok na ba yun?" Tanong nito at hinalikan naman ang tungki ng ilong ni Ruth. Sunod sunod ang ginawang pagtango mg huli.
"Sige.. sige. Ipagluluto kita ng masarap na tanghalian. Ihahatid ko mamaya sayo, hintayin mo ako hah. " masayang wika ni Ruth sa asawa nito, kay Shai.
"
Opo, hindi ako kakain hangga't hindi ka nagdadala ng pagkain ko. " wika dito ni Shai at masuyo at punong puno ng pagmamahal na hinalikan nito ang asawa sa labi nito. " i love you my wife" wika nito pagkatapos pagsaluhan ang isang matamis na halik.
"I love you too hubby. Sige na, baka ma late ka pa. Hintayin mo ako mamaya ha. " paulit ulit na wika dito ni Ruth habang pababa sila ng hagdanan. Hinatid ito ni Ruth hanggang makasakay si Shai sa kanyang sasakyan. "wag masyadong magpapagod hah, mag ingat kayo ni baby. " bilin ni Shai kay Ruth pagkatapos ay binuhay na nito ang makina ng kotse nito.
"Mag iingat ka din daddy " nakangiting paalam dito ni Ruth. Muli ay isang masuyong halik ang kanilang pinag saluhan bago tuluyang umalis ang sasakyan ni Shai.
Bumalik si Ruth sa kwarto nilang mag asawa upang magpahinga sandali. Maaga pa naman at maya maya na niya lulutuin ang ulam na ihahatid niya sa asawa. Nakangiting humiga si Ruth sa kama at tumingin sa kisame. Hindi niya akalain na darating ang araw na magiging maayos ang pagsasama nila ni Shai. Akala niya noon ay mananatili silang estranghero sa isa't isa.
Napabalikwas ng bangon si Ruth at agad na hinanap ang kanyang telepono na walang tigil sa pag alarm. Alas dyes na at kailangan na niyang magluto ng baon ng asawa.
Isa isa niyang hinanda ang mga kakailanganin para sa pagluluto. Kare kare ang balak niyang iluto dahil ito ang paborito ni shai.
Halos isang oras din bago siya nakatapos. Pagkatapos mailagay sa mga baunan ay umakyat na siya at pansamantalang nagpahinga. Ilang minuto lang ay naligo na siya at naghanda na sa pag alis. "Yaya, aalis na po ako. Maghahatid po muna ako ng tanghalian ni Shai. " pagpapaalam ni Ruth kay Yaya Lourdes.
"Mag iingat ka iha, magpahatid ka na lang sa driver para mas mabilis kang makarating sa opisina." Bilin nito habang bitbit ang bag na may lamang pagkain. Inihatid nito si Ruth hanggang sa sasakyan at nagbilin pa sa driver na mag iingat sa pagddrive.
Masayang masaya si Ruth at hindi na makapag hintay na muling makita at makasama ang asawa. Balak niyang hintayin na lamang ito hanggang mag uwian na. Nang makarating sa harap ng kumpanya nito ay nakangiti itong bumaba at pumasok na sa loob ng building. Magalang niyang binati ang naroroon na Guard. Agad siyang sumakay ng elevator patungo sa floor kung saan ang opisina ni Shai. Sa hindi malaman na dahilan ay bigla ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, kinakabahan siya na hindi niya alam kung bakit. Tumingala siya at nakitang malapit na pala siya. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago bumukas ang elevator. Excited siyang lumabas at naglakad papalapit sa opisina ni shai ng bigla itong bumukas at lumabas doon ang asawa. Ngumiti siya dito at ganoon din ang ginawa nito. Kumaway pa ito sa kanya habang siya ay papalapit dito. Ngunit dahan dahan siyang napatigil ng may lumagpas sa kanyang maganda at sexy na babae. Pinagmasdan niya ito buhat sa likuran. Muli siyang tumingin sa unahan, kay Shai, at kitang kita niya kung paano itong matigilan at matulala sa babaeng papalapit dito.
"Shai, baby " wika nito na pakinig na pakinig niya sapagkat malapit na siya sa mga ito. "I miss you" maarteng wika nito at walang sabi sabing niyakap nito si Shai at mariing hinalikan sa labi nito. Hindi nakakibo si Shai sa gulat sa ginawa sa kanya ng babae. Agad itong napatingin kay Ruth na ngayon ay halos katabi na nila. Tulala ito at nanginginig ang kamay kung saan ay hawak nito ang bag na may lamang pagkain.
Bigla ang naramdamang sakit sa puso ni Ruth. Pakiramdam niya ay ilang beses siyang sinaksak sa dibdib dahil sa nasaksihan. Nanginginig ang nakaawang niyang labi at hindi halos kumukurap na nakatitig lamang sa dalawa. Unti unting nangilid ang kanyang mga luha at bago pa ito bumagsak ay mabilis na siyang tumalikod upang hindi na masaksihan ang nangyayari.
"Ruth..." narinig niyang tawag sa kanya ni Shai. Napahinto siya sa paghakbang ngunit hindi siya humarap dito.
"Who is she babe ?" Narinig niyang tanong ng babae kay Shai. Hinihintay niyang sumagot ang asawa ngunit wala siyang narinig kung kaya naman mabilis siyang humarap sa mga ito at mapait na ngumiti. Pinagmasdan niya ang dalawa, bagay na bagay ang mga ito. Napatingin siya sa asawa at mapait na ngumiti kasabay ng pag iinit ng sulok ng kanyang mga mata.